Namumuong bagyo magpapaulan sa Palawan

Namumuong bagyo magpapaulan sa Palawan

July 22, 2022 @ 6:43 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Namataan ng PAGASA ang isang namumuong bagyo o Low Pressure Area (LPA) sa layong 250 kilometro kanluran timog-kanluran ng Tayabas, Quezon o 185 kilometro sa kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro, sa pagtatala ng weather bureau bandang alas-3 ng madaling araw nitong Biyernes.

Habang ang easterlies naman ay nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas, iniulat din ng PAGASA.

Ang Palawan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies / localized thunderstorms na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 5:37 a.m., at nakatakdang lumubog bandang 6:28 p.m. RNT