Namumuong bagyo magpapaulan sa Vis-Min

Namumuong bagyo magpapaulan sa Vis-Min

May 13, 2022 @ 11:10 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makararanas ng mga pag-ulan ang buong Mindanao at silangang Visayas dahil sa low-pressure area (LPA) na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa isla, sinabi ng weather bureau noong Biyernes.

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na huling namataan  ang LPA sa 180 km. silangan-timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa Mindanao at silangang Visayas.

Ayon sa PAGASA, posibleng magkaroon ng flash flood o landslide sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Samantala, makararanas naman ng maayos na panahon ang Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa, anang PAGASA. RNT