Namumuong bagyo namataan sa Baler, Aurora

Namumuong bagyo namataan sa Baler, Aurora

July 12, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang low pressure area ang namataan ng PAGASA sa Aurora nitong Martes.

Huling namataan ang LPA sa layong 420 kilometro silangan ng Baler, Aurora ang Low Pressure Area (LPA) habang makaaapekto naman ang habagat sa kanlurang bahagi ng southern Luzon, Visayas, at Mindanao, dagdag pa ng weather bureau.

Ang Metro Manila, Visayas, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Aurora ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat / LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat / localized thunderstorms na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 5:34 a.m., at lulubog ito ng 6:30 p.m. RNT