Nananapak na hininga? Iwasan natin ‘yan

Nananapak na hininga? Iwasan natin ‘yan

June 20, 2018 @ 9:37 AM 4 years ago


Sa araw-araw nating nakikisalamuha sa ibang tao, sa pakikipagkwentuhan sa mga friends, kapag may kailangang i-close na deal sa mga kliyente o di kaya’y makikipag-tsismisan kay kumare, ang hassle talaga kung ang hininga mo ay masasabihan nilang “out of this world.”

Ang mabahong hininga, o tinatawag ding halitosis, ay maaaring sanhi ng hindi mabuting pangangalaga sa bibig at maaaring isang sintomas ng iba pang sakit. Ang mabahong hininga ay maaaring mapalala ng uri ng pagkaing madalas mong kainin at hindi malusog na lifestyle.

Sanhi ng mabahong hininga

Mga mababahong pagkain – Ang pagkain ng mga may matatapang na amoy gaya ng bawang at sibuyas ay matatago lamang ng pagsipilyo, paggamit ng dental floss o kahit na ang pagmumug ng mouthwash sa maikling panahon lamang. Ang amoy ng kinain mo ay hindi lubusang aalis sa katawan hangga’t hindi ito nailalabas ng katawan. Kaya, ang mga bagay na kinakain mo, lalo na ang mga pagkaing matapang ang amoy ay pwedeng maging dahilan ng mabahong hininga.

Hindi malusog na Lifesyle – Nagsisipilyo ka ba araw-araw? Kung hindi ay panalo ang bibig mo sa baho ng hiningang dulot ng madaming bacteria.

Kung hindi mo ugali na magsipilyo araw-araw, ang mga tirang pagkain ay mananatili sa bibig mo, na nag-iimbita sa mga bacteria na magpaparami sa gitna ng iyong mga ngipin, sa palibot ng gilagid at sa ibabaw ng dila. Ito ay sanhi ng pagkakaroon ng mabahong hininga. Ang paggamit ng mouth wash na may anti- bacterial property ay makakatulong na mapigilan ang pagdami ng bacteria.

Ang pustiso mo ba ay nililinisan mo palagi? Makadaragdag sa pagdami ng bacteria ang hindi paglilinis ng maayos sapustiso.

Ang paninigarilyo rin ay isa sa mga sanhi ng mabahong hininga.

Mga Sakit na maaring dahilan ng mabahong hininga

Ginawa mo na ang lahat pero nakikipaglaban pa rin ang mabahong hininga? Baka tanda nay an ng seryosong sakit sa bibig? Ang mga sakit sa gilagid ay sanhi ng pagkakaipon ng plaque sa mga ngipin. Ang bacteria na nasa plaque ay nagpapalabas ng mga toxin na mapaminsala sa gilagid. Kung hindi ito malulunasan, pwede nitong sirain ang iyong gums at buto sa panga.

Xerostomia o dry mouth – ang pagkakaroon nito ay isa sa mga itinuturong sanhi ng bad breath. Ang laway ay kailangan para basain ang bibig, i-neutralize ang mga asido na nabubuo sa plaque, at hugasan ang patay na mga selula sa dila at gilagid. Kung hindi ito maaalis, ang mga selulang ito ay mabubulok at alam mo na, magiging sanhi ng mabahong hininga. Ang pagkakaroon ng dry mouth ay pwedeng side effect ng pag-inom ng ilang uri ng gamot, dahil sa mga problema sa salivary gland, o patuluyang paghinga gamit ang bibig.

Marami pang ibang sakit na maaring tanda ng mabahong hininga, kabilang na rito ang mga sumusunod:

• Pneumonia
• Bronchitis
• Sinusitis
• Diabetes
• Acid reflux
• Sakit sa atay o kidney

OPLAN iwas bad breath

1. Maglinis ng bibig araw-araw
– kung minsan thrice is not enough para more chances of winning.
2. Regular na bumisita sa dentist- Magpacheck-up sa dentista dalawang beses sa isang taon para mapanatili ang malusog na dental health. Mas maganda kung babalik sa isang dentista upang mabantayan nito ang kalagayan ng iyong ngipin at magamot hindi lamang ang iyong badbreath.
3. Tumigil sa paninigarilyo – mahirap pero isa sa pinkamabisang paraan.
4. Uminom ng maraming tubig – gamot sa bad breath ang pag-inom ng maraming tubig dahil pinanatili nitong basa ang iyong bibig. Mabuti ito hindi lamang sa iyong bigbig kundi pati na sa iyong buong katawan.
5. Bantayan ang iyong mga kinakain- Kung sa tingin mo ay sanhi ng bad breath mo ang iyong mg kinakain, sabihin mo sa dentista mo kung ano-ano ang mga kinahihiligan mo. Gumawa ka rin ng listahan ng mga gamot na iniinom mo, ang ilan sa mga gamot ay maaari ring sanhi ng mabahong hininga.(Remate News Team)