Nanay ni Hipon, dismayado sa resulta ng Bb. Pilipinas!

Nanay ni Hipon, dismayado sa resulta ng Bb. Pilipinas!

August 3, 2022 @ 7:20 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Sinabi ng nanay ni Herlene “Hipon” Budol na dismayado siya sa naging resulta ng Binibining Pilipinas.

Inuwi kasi ni Hipon ang 1st Runner crown pero para sa nanay nito, siya dapat ang nag-uwi ng Binibining Pilipinas International title. Base na rin aniya sa performance ng anak niya simula sa introduction hanggang sa question and answer portion.

“Para po sa akin ang anak ko ang winner pero okay naman po at panalo rin,” saad ng ina ni Hipon sa interview nito sa The Thrillmaker.

Gayunpaman, masaya pa rin aniya siya dahil considered winner pa rin ang anak niya na nag-uwi pa rin ng korona.

Well, hindi lang naman nanay ni Hipon ang nagsabi nito. May ilan sa comments section na sumang-ayon pero may ilan na kumontra lalo’t magagaling din naman anila ang mga nakalaban ng comedian turned beauty queen.

Sa huli, pinakita naman ng nanay ni Hipon na nagpapasalamat pa rin siya sa resulta maliban sa swimsuit competition result na para sa kanila ay dapat kay Hipon talaga.

“Medyo disappointed, inaasahan naming siya ang best in swimsuit pero iba po ‘yung in-announce. Pero it’s ok lang po, laban ‘yan, e.” Paula Jonabelle Ignacio