Nanay patay sa radyo

Nanay patay sa radyo

March 9, 2022 @ 11:40 AM 4 months ago


DUMARAO, Capiz- HINDI na masubaybayan pa ng isang ginang ang pinakikinggan nitong paboritong istasyon sa radio matapos magkikisay ng makuryente matapos isaksak Lunes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Angelica Lisbo, 57-anyos, at residente sa Barangay Tamulalud, Dumarao, Capiz.

Batay sa report ng Dumarao Municipal Police Station, nakita na lamang ng anak ng biktima na si Ella Mae ang kanilang ina na nagkikisay habang nakayakap sa radio.

Sinubukan naman tulungan ng ni Ella ang kanyang ina subalit maging siya ay tumalsik sa lakas ng boltahe ng kuryente.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay at dinala sa Senator Gerardo M. Roxas Memorial District Hospital, ang ina pero dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Paniwala ng pulisya posibleng grounded ang radio dahilan para makuryente si Lisbo na naging sanhi ng kanyang kamatayan./Mary Anne Sapico