Nanay pinatay na, pinagnakawan pa ng sariling anak

Nanay pinatay na, pinagnakawan pa ng sariling anak

February 28, 2023 @ 8:34 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinatay at pinagnakawan pa ng isang lalaki sa Naguilian, Isabela ang kanyang sariling ina.

Ayon sa pulisya, tinakpan umano ng suspek na si Alfie Ocampo, 36-anyos, ang mukha ng kanyang inang si Lucilyn Ocampo, 63-anyos, hanggang sa mamatay ito. Hindi pa nakuntento at tinangay pa ng suspek ang P100,000 pera ng kanyang ina.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na 13 taon na nagtrabaho sa Maynila ang suspek, at umuwi lang nang mawalan na ng mapapasukan.

Base sa tiyo ng suspek na nauna nang sinasabi ng suspek na papatayin niya umano ang kanyang ina pero nang sitahin niya ito ay sinabi niya na nagbibiro lamang siya.

Hinihinalang lulong sa sugal at droga ang suspek.

Sinampahan na ng kasong parricide ang suspek na patuloy na pinaghahanap ng awtoridad. RNT