Nagpanting ang tainga at galit na galit si NCRPO Chief, PNP CSupt. Guillermo Eleazar nang iniharap ni MPD PNP CSupt. Rolando Anduyan ang tatlong PO1 ng Station 5 na in-entrap nito bagama’t mga tauhan nito sa kasong extortion o “hulidap.”
Sa gigil at galit ni Gen. Eleazar sa mga kotongerong pulis na ito, hindi na niya napigilan na kutusan sa noo ang mga “rookie cop” na ito.
Gayunman, inamin ni Gen. Guillor, na hindi naman talaga niya sinasadya na kutusan ang mga nasabing pulis kundi parang tinutulak lang niya ang noo ng mga ito ng pataas dahil pawang nakayuko ang mga ito.
Gusto lang niya na magtinginan sila ng mga “rookie cop” ng mata sa mata habang sila ay kinakausap. Pero bumilib ang netizens sa ginawa ni Eleazar na naging viral sa social media. ‘Yung video na iyon ay umabot sa 1.2 million views na karamihan ay “like” ang comment.
It’s first time in the history of Philippine National Police na nangyari ito sa isang magiting na opisyal ng PNP na umani ng milyong paghanga mula sa netizens dahil sa ipinakita niyang tapang at pagsuweto sa mga bugok na pulis.
Kaya naman, kahit mataas na ang kredibilidad ng PNP ay lalo pang tumaas sa ipinakitang tapang at paninindigan ni Eleazar na wala siyang sinisinong pulis. Sa oras na gumawa ito ng pagmamalabis sa publiko, kanya ito talagang pinapatawan ng parusa.
Siguro naman ay walang kaduda-duda sa ipinakita ni Gen. Guillor sa kanyang leadership nang pamunuan niya ang Quezon City Police District. Naging No.1 ang siyudad noon sa pagpuksa sa iba’t ibang mga uri ng kriminalidad .
Sinubok ding ilagay ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde si Guillor bilang regional director ng Region-4A.
Wala pang isang buwan, dahil sa ipinakitang galing at sipag at dedikasyon ni Gen. Eleazar, ay inilipat siya sa National Capital Regional Police Office. Sa Metro Manila kasi kailangan ng kanyang suporta sa bagong PNP chief at kay Pang. Rodrigo Duterte.
Ang kinalulungkot lang ni Eleazar ay tila kulang yata sa “breeding” ang mga bagong pulis na ito dahil PO1 pa lamang ay marunong na raw na “manghulidap” ang mga ito.
Para bang pumasok daw na pulis upang magkaroon ng kapangyarihan na gagamitin sa ‘hulidap career’ ng mga ito, Hehehehe.
Nagtataka si Gen. Eleazar na sa kabila ng tuwi-tuwinang pagtatalumpati nito at paulit-ulit niyang binabalaan ang mga scalawag at abusadong pulis na umalis sa hanay ng PNP o ‘di kaya magpakatino na dahil “Abot” niya ang mga ganyang pulis, eh, tuloy-tuloy sa kasamaan ang ilang miyembro ng pulisya.
ALIAS DAN,MAGNANAKAW NG GASOLINA SA STAR TOLL WAY
HINDI pa rin tumitigil sa pag-ooperate ng paihi o pagbuburiki sa mga produkto ng petrolyo itong si alyas Dan ng San Pedro,Laguna na pinatakabo niya sa Star Toll Way sa mga Lay Bay Parking sa South Luzon Ex-pressway(SLEX) papunta sa Batangas City.
Milyon-milyong piso ang nananakaw ni alias Dan mula sa mga malalaking kompanya ng langis sa mga binuburiki nito sa mga oil tanker truck sa mga oil refinery company.
Anomang puna o reklamo i-ext sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] – JUAN DE SABOG