Nangangamoteng Lakers silat sa Hawks

Nangangamoteng Lakers silat sa Hawks

January 31, 2022 @ 8:58 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sumalpak si Trae Young ng 36 puntos upang panguhan ang host Atlanta Hawks sa paglampaso sa nangangamoteng Los Angeles Lakers, 129-121.

Kumamda si Young ng 12 sa 22 mula sa floor at tumarak ng apat na 3-pointer kabilang ang isang long-range dagger para sa panalo ng Atlanta habang may natitira pang 53.1 segundo sa fourth quarter.

Sa simula ngn 4th quarter ay lumamang pa ang Lakers ng 11 puntos sa 3-pointer ni Malik Monk, 104-93, subalit rumesbak ang Atlanta sa pamamagitan ng 14-2 run sa tulong ng 3-pointer ni Lou Williams sa nalalabing 7:27 minuto.

Nagtabla sa 121 ang laro sa nalalabing 1:52 ngunit naipasok ng Hawks ang huling walong puntos ng laro at sinulyehan ni Bogdan Bogdanovic ang panalo sa kanyang isinalpak na dalawang free throws sa nalalabing 17.1.

May 12 assists din si Young sa laro habang nakakuha din ang Atlanta ng 20 points at 11 rebounds mula kay John Collins at 16 points sa 8-of-9 shooting mula kay Onyeka Okongwu. Si Clint Capela ay may 15 puntos at siyam na rebounds at si Bogdanovic ay nagdagdag ng 10 mula sa bench.

Ang pagkatalo ay sumira sa season-high na 33-point performance ni Monk, na gumawa ng season-high na walong 3s.

Nakakuha rin ang Lakers ng 27 puntos at limang rebounds mula kay Anthony Davis, na nakabalik sa lineup noong Linggo matapos na hindi makalaban dahil sa pananakit ng pulso. Nagdagdag si Russell Westbrook ng 20 puntos at 12 assists.

Ang Lakers ay naglalaro nang wala si LeBron James, na hindi nakuha ang kanyang ikatlong sunod na laro (lahat ng pagkatalo) dahil sa pananakit ng kaliwang tuhod.JC