NANGANGANIB ANG ESTADO NG SEGURIDAD NG TUBIG NG BANSA SA TAONG 2027

NANGANGANIB ANG ESTADO NG SEGURIDAD NG TUBIG NG BANSA SA TAONG 2027

August 18, 2022 @ 11:39 AM 2 months ago


Mabagal ang usad ng polisiya ukol sa usapin ng water management, utilization and conservation dahil sa isyu ng tubig sa bansa ay pinaghahatian ng 39 agencies na nag-uunahan sa pondo at nag-aagawan sa hurisdiksyon.

Sa mga mauunlad na bansa, ang serbisyo ng tubig ay nakaatang sa isang departamento.

Lubha kasing kinakailangan na ng bansa ang Department of Water Resources para sa pagkakaroon ng water security sa bansa lalung-lalo na sa mga high urbanized areas katulad ng Metro Manila na ilang beses na ring nakaranas ng water crisis.

Sa panukala ni Albay congressman Jose Ma. Clemente “Joey” Salceda, mahahati sa dalawang hurisdiksyon na lamang ang isyu ng tubig sa bansa, ang pagkakaroon ng Department of Water Resources at pananatili ng NWRB o ng National Water Resources Board.

Ipapasailalim din sa DWR ang RCBO o River Basin Control Office at MBCO o Manila Bay Coordinating Office na nasa pangangasiwa ng DENR o Department of Environment and Natural Resources; ang flood management and sediment units ng DPWH o Department of Public Works and Highways; ang water supply sanitation unit ng DILG o Department of the Interior and Local Government; water quality management section ng EMB o Environmental Management Bureau; LWUA o Local Water Utilities Administration; LLDA o ang Laguna Lake Development Authority; NIA o ang National Irrigation Administration; at ang MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Ang paglikha sa DWR ay naaayon sa planong “rightsizing” ng Marcos administration o pagsasagawa ng streamlining sa mga gawain at responsibilidad ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Target na maipasa sa kasalukuyang 19th Congress ang paglikha sa DWR dahil sa nanganganib na rin ng estado ng seguridad ng tubig ng bansa. Mismong ang UNDP o United Nations Development Program na ang nagsasabi na kung hindi kikilos ang mga bansa sa kasalukuyan, malaki ang posibilidad ng water crisis sa taong 2027 hanggang 2030.