Nanghuli ng palaka, patay sa kidlat

Nanghuli ng palaka, patay sa kidlat

July 19, 2022 @ 10:03 AM 3 weeks ago


ILOCOS SUR- PATAY ang dalawang katao kabilang ang binatilyo matapos tamaan ng kidlat sa gitna ng bukid Sabado sa probinsya ng Ilocos Sur at Cagayan.

Kinilala ang biktimang si Jerwin Agrisola, 14-anyos, at residente ng Barangay Oaig Daya, Candon City.

Ayon kay Police Major Marcelo Martinez, Jr., Chief, PCO Prov’l Community Affairs Development Unit, dakong 10:00 PM ng Sabado nagpaalam si Agrisola sa kanyang tiyahin na manghuhuli ng palaka sa bukid.

Ilang oras ang makalipas hindi na nakuwi pa ang biktima hanggang nakita na lamang nila itong nakahiga sa bukid at wala ng buhay.

Nakitaan rin ng sugat sa leeg at nangingitim ang dibdib ng biktima .

Samantala, natagpuan rin patay si Ronald Palomares, 44-anyos, magsasaka, ng Barangay Mangalinan. Baggao, Cagayan.

Kwento ng kaanak, nagpaalam ang biktima sa kanyang pamilya na bibisitahin ang kanilang bukid subalit inabutan ito ng malakas na ulan na may kulog at malakas na kidlat.

Natagpuan na lamang ng kanyang kaanak si Palomares na walang buhay sa gitna ng bukid at naniniwalang tinamaan ito ng kidlat ng naging sanhi ng kanyang kamatayan./Mary Anne Sapico