Nangikil na radio blocktimer, timbog
August 28, 2021 @ 11:18 AM
10 months ago
Views:
174
Frenchlyn Del Corro2021-08-28T12:25:22+08:00
CAGAYAN – Timbog ang isang Radio block-timer matapos na kumagat sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) region-2, makaraang ireklamo ang suspek ng isang negosyante na umano’y kanyang kinikikilan sa halagang P40,000 sa Ugac Norte,Tuguegarao City ng nasabing lalawigan.
Nakilala ang naarestong suspek na si Rommel Mendi, 46, residente ng San Fermin, Cuayan City, Isabela, habang ang nagreklamong biktima ay si Dennis Avila, may-ari ng Delta Global Aces Construction Trading ng naturang lungsod.
Nag-ugat ang pagkakaresto kay Mendi kung saan ay nilapitan umano si Avila upang kuning advertiser ng mga programa nito sa radyo gayundin sa kanyang You Tube account, kasabay ng pagbibigay ng subscription letter sa biktima na nagkakahalaga ng P40,000.00 bilang kabayaran sa kanyang programa sa radyo.
Ayon sa biktima, noong una ay maayos umano ang pakikipag-usap sa kanya ni Mendi, ngunit ng tumanggi umano siya sa alok ng suspek sa hinihinging apat napong libong piso bilang kabayaran sa advertisement ay nagbago na ito at hindi na umano maganda ang pakikitungo ng suspek sa kanya at napansin niya na may kasama ng pananakot ang mga binitiwang salita ni Mendi.
Kung saan ay mayroon na umanong pagbabanta ni Mendi kay Avila, na ibubunyag ng suspek ang mga maling kalakaran ng kanyang pinatatakbong negosyo at ipasasara ito.
Dahil dito, lumapit na siya sa pamunuan ng NBI region-2 na pinamumunuan ni Regional Director Gelacio Bongat para humingi ng tulong upang matigil na ang masamang Gawain ng pinaghihinalaan.
Agad namang tinugunan ng NBI region-2 ang reklamo ng biktima na ikinasa ang isang entrapment operation na kumagat naman ang suspek, na kung saan ay nakipagtawaran pa si Avila, sa alok ni Mendi na mula sa halagang P40,000.00 at naibaba sa P30,000.00 na inayunan naman ni Mendi habang tinanggap nito ang perang ‘marked money’ na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto.
Samantala, napag-alamang na nauna na ring na biktima ng pinaghihinalaan sina DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan at si Eng’r. Mario Ancheta, Regional Director ng Mines and Geosciences Bureau o MGB Region 2, na kinikikilan din umano sila ng suspek, ngunit hindi lamang maharap na magkaroon ng pormal na reklamo.
Magugunitang, naaresto narin si Mendi kabilang ang tatlo pa nitong kasama sa katulad na kaso sa isang entrapepment operation sa Cauayan City, Isabela, na inireklamo ang mga suspek ng isang barangay cahirman sa naturang lungsod. Jun C. Fuentes
June 28, 2022 @8:00 PM
Views:
40
Manila, Philippines – It’s confirmed!
Ang TV host na si Toni Gonzaga na nga ang kakanta ng Philippine National Anthem sa inauguration ng President-elect Bongbong Marcos as the 17th president of the Philippines on June 30 sa National Museum.
Sabi pa sa report, si Chris Villonco naman ang kakanta ng inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal” kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.
Ayon pa kay Franz Imperial, member ng preparation committee, ang magaganap na inauguration ay solemn and simple.
“The program we have prepared is very solemn and simple. It would be very traditional dahil sabi nga ni BBM sa vlog niya, ‘hindi kami lilihis pa sa tradisyon,” sabi ni Fritz.
Ang oath-taking ni President-elect BBM ay ia-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo. Joey Sarmiento
June 28, 2022 @7:45 PM
Views:
36
Manila, Philippines – May binitiwang pangako ang ngayo’y Pasig City Councilor na si Angelu de Leon.
Sana lang, mapangatawanan niya na hindi na raw siya gagawa ng mga teleserye o pelikula hangga’t nasa puwesto.
Angelu got the highest number of votes sa pagka-konsehal to think na unang sabak pa lang niya sa local politics.
Hindi naman nangiming aminin ni Angelu na kailangan din naman niyang kumita.
Pero tama na raw sa kanya ang mga guest appearances, hindi ‘yung showbiz work that requires long hours.
Iro raw ang self-commitment niya para sa Pasig City.
Aminado si Angelu na siya mismo ang lumapit at nag-apply bilang kandidato sa puwesto sa ilalim ng partidong kinabibilangan ng muling nanalong mayor na si Vico Sotto.
At bahagi nga ng kanyang pangako ay tumutok sa mga pangunahing isyu sa siyudad.
Wish ng marami’y tuparin ni Angelu ang pangakong binitiwan.
Ikinalungkot naman ng political greenhorn na ang katambal niya dati na si Bobby Andrews ay natalo sa pareho ring puwesto.
Ani Angelu, marami raw magagawa si Bobby had he won.
Pero may susunod pa naman daw eleksyon. Ronnie Carrasco III
June 28, 2022 @7:30 PM
Views:
33
Manila, Philippines – Just a day after Rita Daniella announced that she is pregnant, bumuhos ang tanong sa social media, “Sino ang ama?”
A lot of RitKen fans were hoping that it was Ken Chan who impregnated Rita pero aside from the latter denying it and telling people that it is a non-showbiz personality ay huminto na rin ang pag-asa ng fans.
Sa kabila ng mga hinala at tanong, nagbigay ng mensahe si Ken kay Rita sa pamamagitan ng isang tweet.
“To you and your baby, I’m here if you need anything, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support, and love to surround you and your baby.
“As a friend, as someone who cares, I’ll be here for you no matter what. I am so proud of you,” saad ni Ken sa kanyang tweet kasama ang photo ni Rita wearing a white dress, holding her baby bump.
Tinawag mang friend ni Ken si Rita, marami pa rin ang kinilig lalo’t bibihira ang ganitong uri ng friendship.
Naihalintulad pa nga ang dalawa sa relasyon nina Eric Santos at Angeline Quinto sa isa’t-isa.
Congrats, Rita.
For sure, like other celebrities, she is just waiting for the perfect time to introduce the father of her baby to the public.
Fans, be patient! Paula Jonabelle Ignacio
June 28, 2022 @7:15 PM
Views:
35
Seoul, South Korea – Nabulaga ang Crash Landing On You fans sa latest annoncement ng K-drama and real life couple na sina Hyun Bin at Son Yejin.
Magkaka-baby na kasi ang mag-asawa, three months after they got married.
Inanunsyo ito mismo ni Yejin sa kanyang Instagram account. She posted a photo of a plant with a flower and the caption went like this: “New life has come to us.
“Today, I’ll be careful and happy. A new life has come to us. I’m still shivering but I’m living it every day due to the changes in my body in the midst of worry and excitement.”
Obviously, iba ang excitement sa couple lalo na kay Yejin pero hindi nagpahuli sa pagkasabik ang fans.
They are all asking, “Kailan manganganak? Ilang months na si baby?”
Wala namang binanggit si Yejin tungkol dito pero mukhang kagaya ng pregnancy, they will announce it at the right time.
Unang nagkatrabaho sina Yejin at Hyun Bin sa 2018 crime film na The Negotiation, at mas lalong nakilala at sumikat when they reunite in 2019 sa Crash Landing on You. Paula Jonabelle Ignacio
June 28, 2022 @7:00 PM
Views:
55
MANILA, Philippines- Kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang mandatoryong pisikal na resporting ng mga guro sa paaralan kahit na tapos na ang official school year calendar, at tinawag itong “new form of forced labor.”
Pinuna ng ACT Philippines nitong Martes ang Department of Education (DepEd) matapos makatanggap ng mga ulat mula sa educators sa buong bansa na patuloy pa rin silang pinapapasok sa mga paaralan kahit na tapos na ang school year calendar ng DepEd.
“DepEd is using its questionable Memorandum 43 series of 2022, issued last May 10 to justify this new form of forced labor. This memo essentially extended work for teachers for them to report to school,” ani ACT Philippines chairperson Vladimer Quetua.
Habang 197 sa 209 class days ang nagamit sa school year dahil sa deklarasyon ng 12-day health break, naniniwala ang mga guro na sapat na ito upang maabot ang kanilang learning at teaching objectives.
“If DepEd insists that there is exigency of service, there should be an order approved by the division that teachers are required to report and there should be additional compensation or service credit for them,” giit ni Quetua.
Batay sa kalendaryo ng DepEd, Hunyo 24 ang huling araw ng school year 2021-2022. RNT/SA