Nanlaban sa holdaper, turistang New Zealander tigok sa Makati

Nanlaban sa holdaper, turistang New Zealander tigok sa Makati

February 22, 2023 @ 10:19 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang 34-anyos na turistang New Zealander matapos na barilin nang manlaban umano sa holdaper na nakasakay sa motorsiklo sa Makati City.

Kinilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang biktimang si Nicholas Peter Stacey na nasawi sa Brgy. Palanan.

Batay sa testimonya ng nobya, naglalakad sila ng biktima nang biglang dumating ang dalawang holdaper. Dito tinutukan sila ng baril at nagtangka si Stacey na agawin ito dahilan para siya ay paputukan.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib ang biktima, ayon sa NCRPO.

Siniguro ng NCRPO na iimbestigahan at tutugusin ang mga salarin. RNT