Naoospital sa COVID, kumokonti na—PCP president

Naoospital sa COVID, kumokonti na—PCP president

January 27, 2022 @ 12:19 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine College of Physicians (PCP), Huwebes, na nakikitaan na nila ang pagbaba ng bilang ng mga naoospital sa  COVID-19 cases sa gitna ng pagbaba ng kaso na naitatala sa bansa nitong mga nakaraang araw.

“Definitely, we can feel the decrease in the number of COVID-19 cases here in the hospitals because we are seeing now less COVID-19 cases. This actually gives us some breathing space so we can also attend to the other non-COVID cases,” ani PCP president Dr. Maricar Limpin sa interbyu sa ANC.

Dagdag pa niya na ang mga health worker na nasapul ng virus ay nakarekober na at bumalik na sa kanilang mga trabaho, kaya nabigyan sila ng dagdag pwersa.

Nitong Miyerkoles ng gabi nang sabihin naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na umabot na lang sa 0.69 ang reproduction number sa National Capital Region (NCR).

Nauna na ring sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na naabot na ang sukdulan pagdating sa COVID-19 infections sa Metro Manila sa naranasang surge dahil sa Omicron variant. RNT