Napagod magnakaw, nauhaw; mukha lumitaw sa CCTV

Napagod magnakaw, nauhaw; mukha lumitaw sa CCTV

September 30, 2022 @ 10:29 AM 2 months ago


ILOILO CITY- HINDI nakatiis ang isang kawatan na pigilan ang pagka-uhaw matapos alisin ang suot na facemask sa loob ng gusali na kanyang ninakawan para uminom ng tubig at tumambad ang mukha nito sa CCTV, Huwebes sa bayan ng Jaro.

Batay sa report ng Jaro Police Station, nakita sa CCTV ang suspek sa loob ng isang gusali na nakasuot ng sombrero at facemask.

Posibleng hindi na nakayanan pa ng suspek ang pagka-uhaw nito kaya nagawa pa niyang uminom na tubig sa harap pa mismo ng CCTV.

Tinangay ng suspek ang halagang P2,000.00 at cellphone.

Sa pahayag naman ng empleyado ng gusali dumaan ang suspek sa likod na bahagi ng gusali at umakyat ito ng hagdan para makapasok sa ikalawang palapag.

Tugis na ng mga awtoridad ang suspek na marami na rin nilooban sa nasabing bayan./Mary Anne Sapico