NAPAKABAIT , MAPAGPASENSYA ANG PINOY PERO…

NAPAKABAIT , MAPAGPASENSYA ANG PINOY PERO…

February 24, 2023 @ 1:13 PM 4 weeks ago


NAPAKABAIT ng Pinoy…sobrang bait…napakamapagpasenya pa…sa mga dayuhan.
Pero may hangganan din lahat ng ito.

Nang dumating ang mga Kastila sa Pinas, winelkam at pinakain sila ni Haring Humabon ng Cebu at naging Kristiyano pa nga ito at ang misis niya kaya niregaluhan sila ni Ferdinand Magellan ng Sto. Niño.

Naging ‘happy’ si Magellan at nirekord ang pangyayari ni Antonio Pigafetta , ang historian ng una.
Pero nang manduhan ni Humabon lahat ng mga hari sa paligid na manikluhod at magmano kina Magellan, pumalag si Lapu-Lapu at sumiklab ang giyerang Lapu-Lapu versus Magellan.

Abril 27, 1521, lumusob mismo sina Magellan at mga badigard nilang Pinoy gamit ang mga pusil, espada, kampilan at pana at pinagsusunog nila ang mga bahay nina Lapu-Lapu sa Mactan.

Napatay nina Lapu-Lapu si Magellan at ang mga nasugatang Kastila na dinala sa Cebu, pinaglalason naman sa kainan na inihanda sa kanila nina Haring Humabon.

Pero nagwagi rin ang mga Kastila sa kanilang pagbabalik at naghari sila ng mahigit 330 taon mula Marso 16, 1521 na pagdating ni Magellan.

Kaya lang, inabuso ng mga Kastila ang mga Pinoy, ginawa silang mga alipin, pinagnanakaw ang kanilang yaman at lupa at nauso ang mga masaker sa kanila sa mahigit 300 taon na humantong sa pagkapuno ng salop na kinalos ng rebolusyong Katipunan nina Gat Andres Bonifacio.

Nang muling dumating ang isang Kastila sa Senado kamakailan, kasama ang ilang Europeo, parang si Magellan din sila na gustong manikluhod ang mga senador sa kanila, kasama si Sen. Jinggoy Estrada na nagpanukalang harangin ang International Criminal Court nila sa pag-iimbestiga at paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng giyera sa droga na marami umano ang namatay.

Dito ipinaalaala sa Kastila at Europeo ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang kalupitan ng mga dayuhan sa pagpatay ng 600,000 Pinoy kontra sa 6,000 na ibinibintang kay Tatay Digong.