Napakalaking vintage bomb, nahukay

Napakalaking vintage bomb, nahukay

July 27, 2018 @ 4:18 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Isang vintage bomb ang nadiskubre ng MPD Bomb Squad kasama ang mga tauhan ng Sta. Ana Police Station kaninang umaga sa Maynila.

Dakong alas 8 ng umaga nang madiskubre ang bomba sa kahabaan ng Mercurio malapit sa corner A. Francisco, San Andres Bukid, Manila.

Nadiskubre umano ito habang naghuhukay ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nasabing lugar.

Agad naman itong ini-report sa Dagunoy PCP at Barangay 772 Zone 84 na siyang tumawag ng asiste sa MPD-Explosive Ordnance Division (EOD) sa pangunguna ni SPO3 Ma Theresa Yu kung saan positibong isang vintage bomb ang nahukay.

Dinala na sa MPD-EOD ang bomba para sa tamang pag-iingat. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)