Napakaswerteng Pinoy, nanalo ng dalawang beses sa lotto

Napakaswerteng Pinoy, nanalo ng dalawang beses sa lotto

June 7, 2018 @ 4:27 PM 4 years ago


France- Isang Pinoy sa France ang nanalo ng dalawang beses sa parehong lotto game sa loob lamang ng isa’t kalahating taon ayon sa ulat ng Le Parisien newspaper nitong Miyerkules.

Hindi pinangalanan ang Pinoy na ito at nasabing una siyang nanalo noong Nobyembre 11, 2016 at muli nanamang sinuwerte noong Mayo 18, 2018 sa larong tinatawag na “My Million.”

Ayon sa isang mathematician, “16 trillion to one” ang tiyansa na mangyari ang swerte na naranasan ng Pinoy na ito. (Remate News Team)