ETO ang talagang tanong sa unang araw ng tigil-pasadang idineklara ng grupong PISTON, na ang ibig sabihin ay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide.
Maganda at matagal ng pangalan ito ng isa sa kinikilala nating organisasyon sa hanay ng transportasyon partikular na, ng mga jeepney. Maganda rin ang pinaghanguan ng pangalan ng kanilang samahan, dahil ang piston ay isa sa pinaka-importanteng piyesa ng jeep o ng isang sasakyan para ito ay umandar.
Pero kung matagal mong ititengga ang iyong sasakyan maaari rin itong âdi na mapakinabangan, lalo na kung ito ay iyong panghanapbuhay. At sa kabilang banda naman, ang tigil-pasada ay siguradong ang sikmura mo at ng iyong pamilya ang kakalam.
Bakit ko masasabi ang mga ganitong kataga? Ibabalik ko muna sa PISTON ang tanong. Pinagkaisang Samahan ang unang kataga ng pangalan ng kanilang grupo. Bakit di sumama ang iba sa inyo at iba pang grupo ng mga driver din ng jeep na ngayon ay may iba na ring pangalan matapos kumalas sa inyong Pinagkaisang Samahan?
Tila may problema na sa inyo, at ang ibang jeepney drivers ay ayaw kumalam ang sikmura lalo na ng kanilang pamilya.
Nagsimula ito sa modernisasyong inihain ng nagdaang administrasyon, at ang kasalukuyan ay itinutuloy ito, âdi lamang para magbigay ng pagbabago, kundi para sa ikabubuti ng lahat, unang-una na ang hanay ng mga jeepney driver.
Ipinaliwanag naman nang mabuti ng pamahalaan ang adhikain nitong modernisasyon. Bakit ang iba naman ay naunawaan ito at NAKIISA.
Hihintayin pa ba nating si Pangulong Bong Bong Marcos na naman ang gumitna sa kaguluhuhang ito, na kayo lang din naman ang may gawa?
Naparalisa nâyo nga ba ang biyahe sa mga lansangan? Samantalang nagliparan din naman ang ibang jeep kasama pa ang mga naunang modernong jeep na galing sa mga dati niyong kasamahan, na NAKIISA sa pamahalaan.
oOo  oOo  oOo
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!