Napatalsik na Prime minister ng Malaysia, kinasuhan na

Napatalsik na Prime minister ng Malaysia, kinasuhan na

July 4, 2018 @ 2:44 PM 4 years ago


Malaysia – Sinampahan na ng four counts ng korapsiyon si dating Malysian Prime Minister Najib Razak dahil sa umano’y pangungulimbat ng pondo ng mamamayan sa kanilang bansa.

Sa korte ng Malaysian capital, kinasuhan ni Najib ng 3 counts of criminal breach of trust at isang kaso ng pag-abuso sa kapangyarihan, ilang linggo lang matapos na mapatalsik siya sa boto ng mamamayan dahil sa pagkakasangkot nito sa korapsiyon.

Ayon sa Malaysian Anti-Corruption Commission (MACC), inaaresto ang dating opisyal kahapon ng special task force sa kanyang bahay sa Kuala Lumpur, kasunod ng imbestigasyon ng pagkawa ng bilyon-bilyong halaga ng pondo ng bansa sa kanyang termino.

Dahil dito, posibleng makulong ng hanggang 20 taon si Najib. (Remate News Team)