Napauwing OFWs higit 500K na – Bello

Napauwing OFWs higit 500K na – Bello

June 2, 2021 @ 6:03 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa kabuuang 563,859 ang bilang ng mga napapauwi o narepatriate na mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ay batay sa natanggap na ulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III  mula sa OWWA.

Mula ito noong May 15 ng nakalipas na taon sa pagsisimula ng programa para maibalik ng bansa ang mga OFW na naapektuhan ng pandemya

Tiniyak ng kalihim na tuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na mapauwi ang mga distressed OFW kabilang ang mga apektado ng pandemya.

Pinagkakalooban naman ng gobyerno ng one-time financial assistance ang mga distress  OFWs mula sa ibat-ibang bansa. Jocelyn Tabancgura-Domenden