Napipintong monopolya ng Grab pinaiimbistigahan sa Kamara

Napipintong monopolya ng Grab pinaiimbistigahan sa Kamara

October 5, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


TIGNAN: Inihihirit ng mga motorcycle taxi riders at mga organisasyong sibiko kasama ang mga TODA (Tricycle Operator Driver Association) na imbestigahan sa Kongreso ang kumpirmadong pagbili ng Grab Philippines sa MoveIt, isa sa mga tatlong na-akreditong kasali sa motorcycle taxi pilot program ng gobyerno.

Dumulog ang grupo sa tanggapan ni Manila Congressman Joel R. Chua na siya ring Vice Chairman ng Metro Manila Development sa Kamara.

Nanawagan ang grupo partikular ang ARANGKADA Riders Alliance na pinamumunuan ni National Chairman Rod Cruz para sa isang masusing imbestigasyon ng Grab Philippines at MoveIt deal.

Giit ng grupo na ang pagbili ng Grab Philippines sa MoveIt ay isa lamang paraan upang agarang makapasok ang Grab sa programa ng gobyerno o kung tawagin ay “backdoor entry”. Idinagdag pa na isang malaking isyu ay ang di maayos na track record ng Grab sa pagtrato nito sa kanilang mga rider, driver, at mga pasahero. RNT