NAPOLCOM inirekomenda ang promosyon ni NCRPO Chief Eleazar

NAPOLCOM inirekomenda ang promosyon ni NCRPO Chief Eleazar

August 1, 2018 @ 5:00 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Inirekomenda ng National Police Commission (NAPOLCOM) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang promotion ni National Capital Region Police Office (NCRPO) para maging Police Director o katumbas ng two-star General sa military.

Sa ipinasang Resolution No. 2018-348 sa Office of the President na may petsa na July 23, 2018 ni NAPOLCOM at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo S. Ano ay inendorso nito ang promosyon ng ranggo ni NCRPO Chief Eleazar, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class 1987.

Ayon kay NAPOLCOM Vice-Chairman at Executive Officer Atty. Rogelio T. Casurao, kasunod ito ng rekomendasyon ng promosyon Director General Oscar D. Albayalde.

Si Chief Supt. Eleazar ay dalawang buwan nagsilbi bilang Regional Director ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) matapos atasan na pamunuan ang NCRPO nitong nakalipas na Hunyo 1, 2018.

Dati rin nyang pinamunuan ang Quezon City Police District bago ang kanyang appointment bilang CALABARZON police director. (Santi Celario)