Napoles, 5 kamag-anak, kinasuhan dahil sa pagpuslit ng $20M sa US

Napoles, 5 kamag-anak, kinasuhan dahil sa pagpuslit ng $20M sa US

August 1, 2018 @ 11:23 AM 4 years ago


 

Los Angeles – Kinasuhan ang umano’y pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles at lima pa nitong kamag-anak dahil sa pagpuslit sa US ng $20 million mula sa kaban ng bayan ng Pilipinas na nakuha sa isinagawang bribery at fraud scheme, ayon sa Federal prosecutors.

Kahapon (July 31), sinabi ng U.S. Department of Justice na si Napoles kasama ng kaniyang limang defendants umano’y nagnakaw ng pondo ng gobyerno ng Pilipinas na dapat sana’y para sa mga mahihirap na Pinoy.

Sinabi rin ng Prosecutor na ang pera ay ginamit upang bumili ng asset sa US., kabilang na ang property at luxury vehicles.

Haharap si Napoles at ang iba pa sa kasong money laundering and conspiracy. Kasalukuyan nang inaasikaso ng mga opisyal ang pagbigay sa mga defendents ni Napoles mula sa US papuntang Pilipinas.

Ang iba pang pinangalanan na kasangkot sa kaso ay sina Jo Napoles, James Napoles, Jeane Napoles, Reynald Lim at Ana Lim. Remate News Team