NAPURNADANG APPOINTMENT SA PPA

NAPURNADANG APPOINTMENT SA PPA

July 12, 2022 @ 5:50 PM 1 month ago


NAALIW ang mga usisero sa pulitika sa munting ba-lita nitong Biyernes nang italaga ni Transportation Secretary Jimmy Bautista si Manuel Boholano bilang OIC-General Manager ng Philippine Ports Autho-rity.

 Hindi lamang ito dahil ang respetadong si Boholano ang itinuturing na most senior port manager ng ahensiya, kundi mistulang binawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naunang anunsiyo na ang negosyanteng si Christopher Pastrana ang susunod na magiging GM-designate ng PPA.

Sa pagbabasa sa mga komento sa Twitter ng PPA, naniniwala ang karamihan ng mga kritiko na hindi na kinaya  pagtakpan ang sangkatutak na “conflict of interest” ni Pastrana sa pagtanggap niya sa pinakamataas na puwesto sa PPA.

 Pinagpasa-pasahan sa social media ang naglutangang mga dokumento na nagsasabing ilang kumpanyang iniuugnay kay Pastrana at sa kanyang pamilya ang nagkaroon umano ng mga paglabag at hindi pa nababayarang penalties sa PPA.

Ang isa pang nakakaintriga sa panig ng Malacañang ay ang katotohanang si Pastrana ay in-law ni Executive Secretary Vic Rodriguez, ang gatekeeper ng Presidente. Paanong nakalusot sa kanya ang mahahalagang detalye   na posibleng maging negatibo sa imahe ng Pangulo?

Sa ngayon, naisalba ng mahusay na pamumuno ni Bautista ang bagitong admi-nistrasyon. Hindi lang ako si-gurado kung hanggang kai-lan, lalo na dahil sa Department of Transportation (DOTr) Special Order No. 2022-129 na kanyang inilabas, itinalaga lamang si Boholano bilang PPA OIC-GM hanggang sa matapos ang buwang ito.

Sa katunayan, nag-tweet pa ang PPA na isasakatuparan ni Boholano ang mga ga-wain at responsibilidad ng isang OIC-GM “hanggang sa maitalaga ang isang permanenteng GM.”

Nagtanong-tanong ako sa ilang  insiders sa PPA tungkol dito at sinabi nila sa Firing Line na inaabangan pa rin ng port managers ang pamumuno ni Pastrana sa PPA. “Wala namang iba,” sabi ng isa sa kanila.

Ibinuking naman ng hindi pa nabeberipikang impormasyon – na si Pastrana ay hindi dumadaan o nakikipag-ugnayan kay ES Rodriguez kundi “rekta kay BBM” na nangangahulugang malinaw si­yang pinapaboran ng Pa-ngulo para pamunuan ang PPA, o kung anoman ang katotohanan dito.

*         *         *

Pinagpapaliwanag ni John Chiong, chairman at presidente ng Task Force Kasanag, ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa uma-no’y korapsyon sa multi-bil-yon pisong proyekto ng kagawaran sa ilalim ng termino ni Pangulong Duterte.

Hulaan n’yo kung sino ang hindi raw gagamitin ang kanyang prebilehiyo bilang mam-babatas sa Senado para magbunyag ng kahit ano tungkol sa usapin. May narinig na ba kayo kay Mark tungkol dito? Si Mark, tahimik lang.