Napurnadang pautang ng China sa railway projects, isasapinal sa 2023

Napurnadang pautang ng China sa railway projects, isasapinal sa 2023

October 10, 2022 @ 4:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes, Oktubre 10 na target nilang maisapinal sa unang bahagi ng 2023 ang negosasyon sa napurnadang pautang ng China na gagamitin sana sa malalaking railway projects ng bansa.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, handa na ang DOTr na simulan ang malalaking proyekto tulad ng PNR South Long Haul Project, the Subic-Clark Railway, at ang Mindanao Railway makaraan pumayag ang China na ulitin ang negosasyon.

“We’re expecting that we should be able to finalize the loan maybe by early next year and if that’s done by the DOF (Department of Finance), we can start again working on the project,” ani Bautista kasabay ng EJAP Infrastructure Forum sa Pasay City.

“We have already worked on the technical aspect of the project. It’s a matter of getting the contractor and finalizing the contract with them,” dagdag pa niya.

Matatandaan na hindi natuloy ang pag-utang ng Pilipinas makaraan hindi tugunan ng China ang hiling ng pamahalaan sa pamamahala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa loan financing ng mga naturang proyekto. RNT/JGC