Naranasang sexual assault inilahad ni Bella Poarch sa bagong kantang “Inferno”

Naranasang sexual assault inilahad ni Bella Poarch sa bagong kantang “Inferno”

August 13, 2021 @ 4:43 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines- Inilahad ng TikTok star na si Bella Poarch sa bagong kanta na “Inferno” kasama ang Sub Urban, ang naranasang sexual assault.

Nagsimula ang eksena, kung saan nilagyan ng gamot pampahilo ang iniinom ni Bella ng dalawang lalaki habang nananatiling nakatayo lamang ang bartender, hinila siya ng mga ito papasok sa elevator, hanggang magbago ang buong eksena dahil sa biglang pagkakaroon ng superpowers ni Bella. Ang elevator ay naging “Inferno” tulad ng pamagat ng kanta.

“As a victim of sexual assault, this song and video mean a lot to me,” komento niya sa sariling video.

“This is something I haven’t been ready to share with you just yet. It’s very hard for me to talk about. But I’m ready now,” dagdag niya.

Ayon kay Bella, nais niyang ilahad ang naging karanasan sa pamamaraan ng paggawa ng bagong kanta at video nito base sa kung paano ito nangyari.

“It’s a fantasy I wish was true,” sabi niya.

Makikita rin sa music video ang Internet star na si Bretman Rock na pinsan umano ni Bella.

Nitong Mayo, unang inilabas ni Bella ang unang single song na “Build a Bitch” kung saan bida si Bretman, Valkyrae, at Mia Khalifa.RNT/Yna de Luna-trainee


  •  
  •  
  •