Nars sabog-bungo sa granada

Nars sabog-bungo sa granada

February 23, 2023 @ 10:37 AM 4 weeks ago


MIDSAYAP, North Cotabato – Sumambulat ang utak ng isang nurse matapos umanong magpakamatay sa pamamagitan ng pagpapasabog ng granada sa sementeryo, kahapon sa bayang ito.

Ayon kay barangay kapitan Fernando Buagas, ng Poblacion 8, Midsayap, hiniling sa kanya ng pamilya na hindi pangalanan ang 50-anyos na biktima na isang nurse sa nasabing lugar.

Kwento ng mga residente, nakarinig sila ng malakas na pagsabog malapit sa  sementeryo sa naturang lugar, subalit hindi nila ito pinansin.

Hanggang sa nakita na lamang ng isang magsasaka ang bangkay ng biktima na wasak ang ulo.

Sinabi ni Buagas, bago ang insidente pumasok pa sa kanyang trabaho ang biktima.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente nakapulot sila ng pin na pinaniniwalaan galing sa sumabog na granada.

Habang sinusulat ang ulat na ito wala pang pahayag ang pamilya ng biktima ukol sa dahilan ng posibleng pagpapakamatay./Mary Anne Sapico