Nasa 4.2M indibidwal sa NCR fully vaccinated na vs COVID

Nasa 4.2M indibidwal sa NCR fully vaccinated na vs COVID

August 23, 2021 @ 12:35 PM 10 months ago


MANILA, Philippines — Inanunsyong nasa 4.2 milyong indibidwal na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Metro Manila, batay kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chief Benhur Abalos.

Sinabi ng opisyal na  4,262,546 indibidwal na ang nakakumpleto ng COVID shots sa Metro Manila na katumbas ng 43.5 porsyento ng populasyon.

“I think by the end of the month, easily we could reach 50 percent of the eligible population vaccinated in the NCR at the rate we’re going. We’re going to try to do that by the end of August,” lahad pa ni Abalos.

Samantala, nasa 3,088,065 na ang nakatanggap ng unang COVID-19 vaccine dose.

Habang sa kabuuan, 11,613,157 dose ng COVID-19 shots ang naiturok sa rehiyon. RNT/FGDC