Nasa 40 katao nakaranas ng side effects sa COVID-19 vax — FDA

Nasa 40 katao nakaranas ng side effects sa COVID-19 vax — FDA

March 4, 2021 @ 4:49 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinatayang nakapagtala ng nasa 40 mild adverse events following immunization (AEFI) kasunod ng pagsisimula ng rollout ng coronavirus vaccines mula sa China’s Sinovac, batay sa Food and Drug Administration (FDA).

Sa isang panayam, sinabi ni  FDA chief Eric Domingo na mild symptoms lamang ang kanilang naranasan.

“As of yesterday, ang nabakunahan ay marami-rami na rin, ilang libo na rin at nakatanggap kami ng reports ng mga 40 na people who experienced mild signs and symptoms after immunization.”

“Wala pa po tayong nakitang severe [AEFI]. Ang severe po kasi ‘yung talagang kailangang ma-ospital so as of kahapon ng hapon wala pang nai-report sa atin. Karamihan talaga ‘yung mga regular lamang,” saad pa nito.

Nilinaw naman ng Department of Health kamakailan na pananagutan ng gobyerno ang AEFIs.   RNT/FGDC


  •  
  •  
  •