Nasa likod ng ‘edited nude pic’ ni Catriona tutugisin ng NBI

Nasa likod ng ‘edited nude pic’ ni Catriona tutugisin ng NBI

July 21, 2020 @ 1:16 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Personal nang nagtungo si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa National Bureau of Investigation ngayong Martes (Hulyo 21).

Ito ay para idulog ang kanyang reklamo laban sa uploader ng pekeng larawan niya na “topless” at kumakalat na sa social media.

Nakipag-usap si Gray kay NBI deputy director Vicente De Guzman kaugnay sa reklamo.

Sa paunang impormasyon, “photoshopped” ang larawan kung saan makikita umano si Gray.

Mariin namang kinondena ng kampo ng Miss Universe ang gumawa at nagpakalat nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Christopher Liquigan, nasaktan si Gray sa malisyosong pagpopost ng mga larawan na hindi naman siya at malinaw na pineke.

Ayon naman kay De Guzman, determinado ang NBI na matukoy ang taong nasa likod ng pagpopost sa social media ng litratong layong makasira sa beauty queen.

Ang NBI Anti-Cybercrime Division ang naatasang magsagawa ng imbestigasyon sa reklamo ni Gray. Teresa Tavares/Jocelyn Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...