Nasa P800K shabu nasabat sa Caloocan buy-bust

Nasa P800K shabu nasabat sa Caloocan buy-bust

August 6, 2020 @ 7:52 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nasabat ang nasa P800,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust sa Barangay 8, Caloocan City kahapon, August 5.

Sa inisyal na ulat ng drug enforcement unit ng Northern Police District, nagkaroon ng transaksyon ang poseur buyer at suspek sa gilid lamang ng basketball court sa Julian Felipe Street.

Samantala, nasamsam naman ang nasa 130 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P884,000.

Sa ngayon ay wala pang karagdagang ulat ang inilalabas ng mga awtoridad. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...