NASAAN ANG SABAW? Sinigang tinaguriang ‘Best Soup’ sa buong mundo

NASAAN ANG SABAW? Sinigang tinaguriang ‘Best Soup’ sa buong mundo

January 30, 2022 @ 10:39 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Wagi bilang pinakamasap na sabaw o “Best Soup” sa buong mundo ang tradisyunal na Pilipinong pagkaing ‘sinigang’ ayon sa TasteAtlas.

Para sa 2021 Awards, ang muk-asim na “Sinigang” ang nanguna sa soup category na may 4.63 rating.

Napanis lang naman nito ang Ciorbă de fasole cu afumătură ng România at Shoyu Ramen ng Japan, na nakakuha ng iskor na 4.55 at 4.54, base sa pagkakasunod.

Habang pasok naman sa Top 5 ang Mercimek çorbası ng Turkey at Tonkotsu Ramen ng Japan.

Noong nakaraang taon, kinilala na rin ng TasteAtlas ang sinigang bilang world’s best-rated vegetable soup.

Tinawag ng website ang sinigang bilang kakaibang sabaw na sumisimbolo ng mga pagkaing Pinoy “with its sour lightness perfectly matching the harsh tropical heat of the country.”

Kinilala rin ng TasteAtlas ang Locavore at Sentro 1771 na mga restoran na naghahain ng pinakamasarap na sinigang.

Sa kabilang banda, nakuha rin ng Pilipinas ang ika-19 na pwesto sa 50 bansa pagdating sa may pinakamasasarap na listahan ng World’s Best Cuisines.

Nanguna sa nasabing listahan ang Italian food, sumunod ang Greek at Spanish cuisines sa top 3.

Ang Tortang Talong, Lumpiang Shanghai at Sinigang na Baboy ay kinilala rin ng website bilang pinakamasasarap na putahe sa Filipino cuisine.

Ang TasteAtlas ay isang website na kumikilala sa mga tradisyunal na pagkain sa buong mundo. RNT