#NasaanAngPangulo: Heto tambak ang trabaho – Go

#NasaanAngPangulo: Heto tambak ang trabaho – Go

April 8, 2021 @ 7:41 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – “Sa mga may masasamang Hangarin, Wag muna kayo mag celebrate!! Nandito lang si Tatay Digong. Tambak ang trabaho.”

Ito ang pahayag ni Senador Bong Go bilang tugon sa naglutangang espekulasyon sa social media na na-mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bunsod na rin ng hindi natuloy na Talk to the People nito noong Lunes at dapat sana’y kahapon, Miyerkoles ng gabi.

Pinatunayan ni Senador Bong Go sa kanyang Facebook post na maayos ang kalagayan ng Pangulo.

Ibinahagi nito ang ilan sa mga larawan kasama ang Chief Executive kung saan makikita ang tambak na paperwork nito dito sa Maynila.

Inilarawan pa ni Go ang suot nitong kulay dilaw na t-shirt na “associated” sa dating ruling Liberal Party.

“Hindi ito ang panahon ng pagsisisihan kundi panahon ng Pagtutulungan. Suot ko damit kong dilaw pero DU30 yan!!!” aniya pa rin.

Nauna rito, gustong makasiguro ng Malakanyang na hindi mako- kompromiso ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Duterte laban sa covid 19.

Sinabi ni Go na nagpasyang ipagpaliban na muna ang talk to the people ng Chief Executive makaraang marami sa mga tauhan ng presidential security group ang nagpositibo sa COVID-19.

Hindi naman masabi ni Go ang eksaktong bilang ng psg personnel na nagpositibo sa COVID-19.

Siniguro naman ni Go na wala sa mga PSG personnel na ito ang nagkaroon ng direktang kontak sa Punong Ehekutibo.

Nais lamang aniya nilang makasiguro na wala munang magiging exposure ang Pangulo sa maraming psg personnel.

Samantala, wala naman dapat na ipag alala ang publiko sa kalusugan ng Pangulo dahil  “all is well” aniya ito,  nasa mabuting kalagayan ang kalusugan at wala namang nararanasang anumang sintomas.

Sa katunayan ay nasa bahay lamang ang Pangulo sa Malakanyang  at hindi muna makauuwi sa Davao City dahil nasa nananatiling nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR Plus. Kris Jose


  •  
  •  
  •