#NasaanAngPangulo, ikinukunsiderang ‘national threat’ ni Padilla

#NasaanAngPangulo, ikinukunsiderang ‘national threat’ ni Padilla

November 28, 2022 @ 5:46 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinuna ni Senador Robinhood Padilla ang kamakailan ay pamosong Twitter trend na #NasaanAngPangulo?

Para kay Padilla, maituturing itong ‘national threat’ dahil tila inaalam ng publiko ang lokasyon kung saan ang Pangulo ng Pilipinas.

“Papaano ‘yun, wala ba kayong hakbang dun, Ma’am, sa mga fake news? Kasi lagi kong inaabangan kung ano ang sasabihin ng Office of the President kasi kasama ko si Presidente, nandun kami sa Cotabato noong panahon na ‘yun na ang tsinitsismis nasaan ang Pangulo,” tanong ng ssenador kasabay ng pagdinig ng Senado nitong Lunes, Nobyembre 28 ukol sa fake news.

“Eh sana tinanong ‘nyo ako kasi kasama ko. Wala po ba kayong hakbang dun? Katulad ng sinabi ng NBI (National Bureau of Investigation), para sa akin national issue ‘yun,” dagdag pa niya.

Nang tanungin naman patungkol sa paraan ng press release ng Office of the Press Secretary, sinabi ni OPS Undersecretary Rowena Reformina na nagiging maingat din sila sa mga gagamiting salita.

“Anong pwede nating gawin? Sinong pwedeng magreklamo dun kasi para sa akin national threat ‘yung ganun eh. Tinatanong mo kung nasaan ‘yung Presidente,” giit ni Padilla.

Sinagot naman ito ng pinuno ng Department of Justice – Office of Cybercrime na si Angela Marie de Gracia-Cruz kasabay ng paglalatag nito ng mga umiiral na batas kaugnay ng fake news.

“So if you’re asking, Mr. Chair, if you have an existing legal framework that can address misinformation or disinformation, the answer is, yes, but the next question is are these laws sufficient? Based on the statements of the NBI and the PNP (Philippine National Police, maaaring sufficient naman po,” tugon niya.

“Kasi, Ma’am, national interest ‘yung nangyari na ‘yun. Nalulungkot ako kasi walang nangyaring action,” sagot naman ni Padilla.
“Meron tayong very delicate issue sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) and the national government. Sinasabi nitong mga nagpapakalat ng fake news na wala ang Presidente. ‘Yun ang kumalat,” pagpapatuloy ng Senador.

Dagdag pa, sinabi ni Padilla na ang akala ng biktima ng bagyo ay totoong inabandona sila ng Pangulo dahil sa mga kasinungalingan na naririnig nila.

“Bakit walang aksyong legal galing sa ating gobyenro doon sa nagpakalat ng balita na ‘yun samantalang ‘yung balita na ‘yun, naapektuhan lahat ng nasa BARMM dahil ang akala nila, pinabayaan sila ng Pangulo ng Pilipinas,” pagbabahagi pa niya.

Sagot ni de Gracia-Cruz, maaaring maghain ng reklamo ang sinuman dahil ito ay nasa ilalim ng Revised Penal Code.

“Kahit sino pwedeng magkaso? Pwede bang NBI kaagad o PNP kagaad o ang Office of the Press Secretary? Hindi kelangan ang private complainant?” tanong naman ni Padilla.

“Kahit ako pwede akong mag-ano…kasi ginugulo nila ang peace talk?” dagdag pang sinabi ni Padilla kay Gracia-Cruz na sinagot naman niya ng “Oo.” RNT/JGC