Nasabat na langis ng BOC, ibinigay sa PCG

Nasabat na langis ng BOC, ibinigay sa PCG

July 12, 2022 @ 4:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mahigit 6,300 litro ng nasabat na automotive diesel ang nai-turn over sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa operasyon nito, ayon sa ahensya nitong Martes.

Sinabi ng PCG na ang langis, na may kabuuang 6,375.8 litro, ay nasabat ng Bureau of Customs mula sa isang gasoline station sa Pampanga sarandom field at confirmatory testing na isinagawa noong Setyembre 2021.

Opisyal na ibinigay sa PCG ang nasabat na langis nitong Hulyo 8, sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

“The BOC and PCG signed the Deed of Donation and Acceptance for the Coast Guard to utilize the said resource in its daily operations,” pahayag ng PCG. RNT/SA