Nasal spray ng Sputnik V pag-aaralan na ng Russia

Nasal spray ng Sputnik V pag-aaralan na ng Russia

October 13, 2021 @ 12:37 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

MOSCOW, Russia – Pag-aaralan na ng Russia ang nasal spray form ng kanilang COVID-19 vaccine na Sputnik V.

Ito ang sinabi ng kanilang pamahalaan sa isang statement kung saan ilan sa kanilang adult population ang magsisilbing volunteer para sa clinical test.

Matatandaan na noong nakaraan taon ay naipakilala ng Russia ang kanilang COVID vaccine na Sputnik V na ginagamit na rin sa Pilipinas.

Ayon sa impormasyon, dalawang doses din na ibibigay ang nasal spray sa isang klinika sa St. Petersburg.

Hindi naman ibinahagi kung kailan nakatakdang simulan ang clinical test.

Kasabay nito, ipinamamadali na ni President Vladimir Putin ang vaccination program ng bansa dahil nakapagtala ng highest single-day death toll ang Russia dahil sa COVID-19 kamakailan. RNT


  •  
  •  
  •