Nasamsam na 500kg shabu ininspeksyon ng awtoridad

Nasamsam na 500kg shabu ininspeksyon ng awtoridad

July 8, 2022 @ 2:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinuri ng awtoridad ang nakumpiskang higit 500 kilo ng shabu, base na rin sa utos ng korte.

Kasama sa nagsagawa ng ocular inspection ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, representante mula sa Zambales Regional Trial Court branch 71, barangay kagawad ng Cadelaria Zambales.

Nauna nang iniatas ni Judge Consuelo Amog-Bocar ang nasabing inspeksyon sa drogang nakulimbat noong Setyembre 7, 2021 na naging dahilan ng pagkasawi ng apat na suspek na Chinese national. RNT