Nasamsam ng BOC na poker chips, gambling paraphernalia ibinigay sa PAGCOR

Nasamsam ng BOC na poker chips, gambling paraphernalia ibinigay sa PAGCOR

September 25, 2020 @ 5:13 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Itinurn-over ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang kanilang nasamsam at abandonadong mga poker chips at mga gambling paraphernalia sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nitong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga naiturn-over na kargamento ay pitong package ng mahjong set/tiles, dalawang package ng poker chips at isang package ng gambling paraphernalia na isinailalim sa warrants of seizure and detention (WSD) at abandonment proceedings ng BOC.  Ang mga nasabing kargamento ay nasamsam dahil sa paglabag sa Section 119 (b) ng R.A. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa alinsunod sa Section 1147 (a) ng CMTA na dinaluhan nina District Collector Atty. Ruby Alameda, BOC-Clark Deputy Collectors, PAGCOR Senior Security Officer Mark Oliver Dela Cuesta, Legal Officer Atty. Dianne Dimaliwat at Senior Treasury Head Freddie Briones.

“The Port of Clark will remain steadfast in enforcing customs laws and regulations and in apprehending shipments that violate the CMTA. The coordination with other regulating agencies will be strengthened to barricade the borders against prohibited and restricted shipments without permit,” saad ni District Collector Alameda.  JAY Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...