Nakaraang hatol ng Sandigan ini-adopt ni Marcos bilang ebidensya sa ill-gotten wealth case

August 10, 2022 @4:13 PM
Views:
5
MANILA, Philippines- Ini-adopt ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pitong Sandiganbayan decisions na bumabasura sa P302 bilyong halaga ng ill-gotten at forfeiture cases laban sa kanya at kanyang pamilya bilang ebidensya sa ill-gotten wealth case sa ilalim ng Civil Case 0014.
Sa proceedings nitong Miyerkulespormal na ikinasa ng abogado ni Marcos na si Atty.Manuel Plaza III ang court pleading na i-adopt ang mga sumusunod na desisyon bilang bahagi ng kanilang depensa:
-
“Sandiganbayan Resolution dated December 16, 2019 for Civil Case 0002 junking the P200 billion forfeiture case vs. the President’s late father, Ferdinand Marcos Sr., and siblings Imee and Irene;
-
Sandiganbayan Resolution dated October 14, 2019 for Civil Case 0007 dismissing a P267 million ill-gotten case against Marcos Sr. and his wife Imelda and their alleged cronies, namely President Fe Roa Gimenez and her husband, Ignacio Gimenez; Vilma Bautista and her husband, Gregorio, among others;
-
Sandiganbayan Resolution dated January 23, 2020 for Civil Case 0007 upholding the October 14, 2019 dismissal of the ill-gotten wealth case;
-
Sandiganbayan Resolution dated September 25, 2019 on Civil Case 0008 dismissing the P1.052 billion ill-gotten wealth case against Bienvenido Tantoco Sr., the Marcos couple, among others, in connection with the Tantoco clan’s 11 real estate properties located in the Philippines, Hawaii and Rome; shares of stocks in 19 companies; cash on hand and in bank; pieces of jewelry; notes, loans and mortgages receivable; motor vehicles and three Cessna aircraft;
-
Sandiganbayan Resolution dated November 20, 2019 denying the Philippine government’s appeal on the dismissal of the P1.052 billion ill-gotten wealth case under Civil Case 0008;
-
Sandiganbayan Resolution dated August 5, 2019 for Civil Case 0034 dismissing the P102-billion forfeiture case against Marcos Sr. and Imelda, as well as 11 of their alleged cronies; at
-
Sandiganbayan Resolution February 13, 2020 on Civil Case 0034 denying the Philippine government’s appeal on the August 2019 dismissal of P102 billion ill-gotten wealth case against Marcos Sr. and Imelda, as well as their 11 other alleged cronies.”
Inaakusahan ng Civil Case 0014 ang mag-asawang sina Rebecco at Erlinda Panlilio — umano’y business associates ng mga magulang ni Marcos Jr. — ng pagsisilbing “dummies upang makamkam ang pagmamay-ari sa ilang kompanya sa pagkuha ng financial assistance mula sa state institutions sa liberal terms “for their financial and pecuniary interests.”
Kabilang sa mga kompanyang ito ang Ternate Development Corp., Monte Sol Development Corporation, Olas del Mar Development Corporation, Fantasia Filipina Resort, Inc., Sulo Dobbs, Inc., Philippine Village, Inc., Silahis International Hotel, Inc., at Hotel Properties, Inc.
Inaakusahan din ng Civil Case 0014 ang mag-asawang Panlilio — maging si Modesto Enriquez, Trinidad Diaz-Enriquez, Leandro Enriquez, Guillermo Gastrock, Ernesto Abalos at Gregorio Castillo — ng pananamantala ng pagiging malapit sa mag-asawang Marcos upang isakatuparan ang mga balak “in order to enrich themselves at the expense of the Philippine government.”
Hindi naman inalmahan ng government prosecutors, sa pangunguna ni Senior State Solicitor Romeo Galzote ng Office of the Solicitor General, ang aksyon ni Marcos Jr.’na i-adopt ang nabanggit na Sandiganbayan decisions bilang ebidensya sa proceedings.
Sinabi ni Galzote na “the prosecution will rest its case,” subalit tinanong ni Sandiganbayan Second Division chairperson at Associate Justice Oscar Herrera Jr., “What about [the evidence] for Imelda, Imee, Irene?”
Inilahad ni Galzote at ng iba pang state prosecutors na maghahain sila ng proper motion na humihiling sa korte na ideklara na ang ibang miyembro ng pamilya Marcos at Don Ferry — isa pang defendant na hindi pa nagsusumite ng ebidensya — ay nag-waive ng kanilang karapatan na maghain ng ebidensya kapag hindi sila nakapagsumite nito sa Setyembre 1, 22, at Oktubre 6 at 7.
Nang sabihin naman ni Justice Herrera na, “It should be only two days,” napagkasunduan ng government prosecutors na sa halip ay itakda ito sa Setyembre 1 at 22. RNT/SA
IRR ng Vape Law pinaplantsa na ng DTI

August 10, 2022 @4:00 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Pinoproseso na ng Department of Trade and Industry ang implementing rules and regulations (IRR) ng Vape Bill, na kumokontrol sa produksyon at pagbebenta ng vape at tobacco products.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo nitong Miyerkules na sisimulan na ng DTI wang konsultasyon sa Food and Drug Administration (FDA) sa mga susunod na araw.
“‘Pag ka naayos sa dalawang ahensya, ilalabas for public consultation… Nagmamadali rin po tayo para siguradong ma-implement natin nang maayos ang Vape Law,” aniya sa public briefing.
Kinumpira ng Malakanyang nitong nakaraang buwan na nag-lapse into law ang kontrobersyal na panukala, na naglilipat ng regulatory powers ng mga produkto mula sa FDA sa DTI.
Nanawagan ang ilang stakeholders kabilang na ang Departments of Health at Education, medical groups, at mga mambabatas kay PangulongBongbong Marcos na i-veto ang panukala.
Nauna nang ihayag ni Senator Pia Cayetano ang pagkadismaya sa paglusot nito sa batas,at iginiit na sapat na ang Sin Tax Law upang makontrol ang paggamit ng vape.
Subalit, sinabi ni Costelo na susundin lamang ng DTI ang nakasaad sa panukala, at anumang health concerns sa ilalim ng vape products ay FDA na ang bahala.
“Kung walang health claim, magiging automatic na sa DTI and we’re ready. Kung gusto po ng batas o binibigay sa atin ‘yung responsibilidad, hindi natin siya tatanggihan at nagpre-prepare na po tayo para magawa natin ‘to,” aniya. RNT/SA
2 pekeng pulis na holdaper pala, arestado sa Bulacan

August 10, 2022 @3:56 PM
Views:
14
Bulacan- Arestado ang dalawang lalaking nagpakilalang pulis at nangholdap ng dalawang binatang salesman sa lungsod ng Malolos.
Kinilala ang dalawang pekeng pulis na sina Reggie Chico Garcia, 32, may-asawa, factory worker ng Brgy. Tikay at Angelo Roque Asistin, 27, may kinakasama, shoe repairman ng Brgy. Bangkal ng lungsod.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Mark John Contridas Butal, 23, binata at Ronel Rabina Artiaga, 24, binata, kapwa residente ng Brgy. Mabolo.
Sa report, nangyari ang panghoholdap sa mga biktimang lulan ng motorsiklo bandang alas-8:50 ng gabi nitong Agosto 9 sa Brgy. Sto. Niño ng lungsod.
Ayon sa report, pinara ng mga suspek ang dalawang biktimang nakamotor at kinuha ang lisensiya ng rider.
Pinayuhan ang mga biktima ng mga nagpakilalang pulis na sumunod sa kanilang istasyon kaya sinundan nila ang mga ito.
Nang makarating sa madilim na lugar ay biglang huminto ang mga nagpakilalang pulis, tinutukan sila ng ice pick hanggang kunin ang kanilang pera, celphone, mga gamit at mabilis na tumakas.
Dahil dito, humingi ng saklolo sa mga totoong pulis ang mga biktima na mabilis rumesponde sa lugar hanggang sa tinugis at nahuli ang mga ito sa Brgy. San Juan.
Narekober sa mga suspek ang Oppo A5 cellphone, wallet na may mga ID, Atm card, P7,000, sling at belt bag na may mga ice pick.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong robbery at usurpation of authority habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol
DBM nagpalabas ng P1.58B pondo para sa Odette victims

August 10, 2022 @3:48 PM
Views:
19
MANILA, Philippiens- Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Miyerkules na nailabas na nito ang P1 bilyong pondo para sa emergency shelter assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette noong Diyembre 2021.
Inihayag ng DBM na inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang special allotment amounting na nagkakahalaga ng P1,580,123,000.
Para ito sa P10,000 emergency shelter assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tumulong sa rekonstruksyon ng 153,410 totally damaged na mga tahanan sa Regions VI, VIII, X, at XIII.
Sinabi rin ng Budget department na humiling ang DSWD na irelease ang P1.5 bilyon noong Agosto 2, 2022, na natanggap ng ahensya kinabukasan.
Ipinalabas ang Special Allotment Release Order (SARO) noong Agosto 8, 2022, anito.
“Bawat isa sa atin ay itinuturing ang tahanan bilang isang safe haven o ligtas na lugar. Ang pagkakaroon ng isang maayos na tahanan ay dalangin ng bawat Pilipino. Kaya kaisa po ang DBM sa pagtulong na masigurong bawat tahanang nasira ng bagyong Odette ay maiayos upang komportableng masilungan ng ating mga kababayan kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay,” pahayag ni Pangandaman.
“Bagaman tumama ang bagyong Odette noong nakaraang taon, hindi po nakalimutan ng inyong pamahalaan ang mga nasalanta. Patuloy ang pagbibigay natin ng tulong sa mga nangangailangan para sa kanilang pagbangon muli,” dagdag niya.
Hinagupit ng bagyong Odette ang bansa noong Disyembre 2021, kung saan apektado ang Regions IV-B, VI, VII, VIII, X, at XIII. RNT/SA
Pacio gigil kay Brooks

August 10, 2022 @3:42 PM
Views:
16