Nasawing health workers sa COVID, 104 na—DOH

Nasawing health workers sa COVID, 104 na—DOH

September 15, 2021 @ 6:48 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines—Umabot na sa 104 na healthcare workers ang nasawi sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Base sa huling ulat nitong Setyembre 13, umabot naman na sa 24,284 healthcare workers ang nagpositibo na sa virus.

Sa bilang na ito, 23,814 ang nakarekober at 366 na sumasailalim pa rin sa gamutan.

Samantala, 221 sa mga aktibong kaso ang nakararanas ng mild na sintomas; 95 ang asymptomatic; 21 ang sever ang kondisyon; 20 ang moderate; at siyam ang kritikal.

Kamakailan, nagprotesta ang ilang healthcare worker dahil sa pagkaka-antakla ng kanilang special risk allowances (SRA) dahil sa pandemya.

Dahil dito, naglaan ng karagdagang P888.12 milyong budgert ang Department of Budget and Management para sa SRA. RNT/RG


  •  
  •  
  •