Nasayang na COVID vax umabot na sa 44M doses

Nasayang na COVID vax umabot na sa 44M doses

December 2, 2022 @ 6:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 44 milyon doses ng mga bakuna sa COVID-19 ang nasayang ayon sa Department of Health (DOH).

Sa nasabing numero, higit 24 milyon doses ang na-expire dahil sa maikling shelf life nito, saad ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.

Nasa 3.8 milyon shots naman mula sa “operational wastage” tulad ng temperature excursion, discoloration at natural disaster ang naitala.

Habang inaalam pa ng DOH kung paano nasayang ang nasa 5% pang doses.

Karamihan sa nasayang na bakuna ay nakuha ng pribadong sector at local government, ani Vergeire.

Sa naunang ulat ng DOH noong nakaraang buwan, nasa mahigit 31 milyon lamang ang vaccine wastage na nagkakahalaga ng P15.6 bilyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden