Nasino, 2 iba pa pinakawalan na

Nasino, 2 iba pa pinakawalan na

December 23, 2022 @ 7:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naglabas na ng release order ang Manila Regional Trial Court nitong Huwebes, Disyembre 22 upang pakawalan ang aktibistang si Reina Mae Nasino at dalawa iba pang kasama nito.

Maaalalang si Nasino ang ina na namatayan ng sanggol habang nasa kulungan.

Ipinag-utos ni Judge Paulino Gallegos ng Manila RTC Branch 47 ang pagpapalaya kina Nasino, Alma Moran at Ram Carlo Bautista makaraan silang magpiyansa sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Nauna nang hiniling ng kampo ng tatlo ang Korte na pababain ang piyansa ni Nasino at Moran sa P210,000 mula P420,000 at P285,000 mula P570,000 naman para kay Bautista. RNT/JGC