Nasirang pipeline tapos nang kumpunihin ng Maynilad

Nasirang pipeline tapos nang kumpunihin ng Maynilad

July 16, 2022 @ 3:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Maynilad Water Services Inc. nitong Sabado na tapos na nitong kumpunihin ang pipeline aa Pureza Street sa Manila na nasira nang aksidenteng masira ng third-party contractor habang nagsasagawa ng drainage work.

“We had already opened the valve and started the flushing activities on the mainlines,” pahayag ng kompanya.

Dahil dito, naibalik na ang suplay ng tubig sa 80% ng mga kustomer na naapektuhan ng insidente.

“Water pressure is building up on our network and we had managed to restore the water supply of 80% of the affected customers in Manila, Makati, Las Pinas, Pasay and Parañaque,” ayon sa Maynilad.

Kumpiyansa naman ang kompanya na agad na maibabalik ang suplay ng tubig sa mga apektadong lugar.

“We expect that the water supply in other areas will resume ahead of schedule,” anito.

Inabisuhan din ng Maynilad ang mga kustomer na hayaang dumaloy muna ang tubig nang ilang segundo hanggang luminaw ito.

Matatandaang naapektuhan ang suplay ng tubig nitong Biyernes sa ilang barangay san Manila, Makati, Paranaque, Las Piñas at Pasay dahil sa nasirang pipeline. RNT/SA