Nasyunalidad ng PAL passenger na may moneypox, iniaalam na

Nasyunalidad ng PAL passenger na may moneypox, iniaalam na

September 8, 2022 @ 1:14 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na bineberipika pa nito ang nasyonalidad ng pasaherong sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight patungong Hong Kong na napaulat na nagkaroon ng monkeypox.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakipag-ugnayan na sila sa Hong Kong Ministry of Health matapos ipahayag ni PAL spokesperson Cielo Villaluna na sakay ng kanilang PR300 noong Setyembre 5 ang manlalakbay na may monkeypox.

“Based from what we have gathered yesterday at an initial report that they have given us, they were not able to identify yet the nationality of this specific individual. We are still coordinating closely if this really is a national coming from our county,” ani Vergeire.

Sinabi niya na ang DOH ay magbibigay ng impormasyon sa publiko kapag nakakuha sila ng mga tiyak na ulat.

Sinabi rin ni Vergeire na patuloy ang masinsinang surveillance ng DOH sa monkeypox lalo na sa mga lugar sa bansa kung saan na-detect ang virus. RNT