Natalong mayor pinagbabaril-patay!

Natalong mayor pinagbabaril-patay!

October 1, 2022 @ 12:48 PM 2 months ago


MAGUINDANAO- Patay ang isang natalong mayoralty candidate sa nakalipas na national eleksyon matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek Biyernes sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Kinilala ang biktimang si Datu Jamael Q. Sinsuat, tumakbong alkalde sa nasabing bayan subalit natalo ito ng kanyang pamangkin na si Mayor Lester Sinsuat.

Batay sa report ng DOS Municipal Police Station, dakong alas-12:30 ng hapon naganap ang krimen sa labas ng mosque sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat ng nasabing lalawigan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, paglabas ng biktima ng mosque ay agad siyang pinagbabaril ng mga suspek saka mabilis na nagsitakas.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, ipinag-utos naman ng lokal na pamahalaan ng DOS sa PNP na magsagawa na agaran imbestigasyon para sa tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek sa agaran ikadarakip sa mga ito. Mary Anne Sapico