Nathalie Hart, bibida sa remake ng “Patayin sa Sindak si Barbara”

Nathalie Hart, bibida sa remake ng “Patayin sa Sindak si Barbara”

July 16, 2018 @ 1:46 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pagbibidahan ng sexy actress na si Nathalie Hart ang remake ng “Patayin sa Sindak si Barbara.”

Pinatotohanan ni Hart ang kaniyang next project para sa title role na matatandaang dating binigyang buhay ng aktres na si Susan Roces.

Ang “Patayin sa Sindak si Barbara” ay isang classic horror film na unang ipinalabas noong 1995 sa panulat ni Ricardo Lee.

Hindi pa naman sigurado kung kailan ipalalabas ang pelikula sa takilya.

Sa tantsa naman ng aktres, maaaring ipalabas ito sa Nobyermbre.

Bago ang “Patayin sa Sindak si Barbara,” mapapanood muna si Nathalie sa “Kusina Kings” na ipapalabas na ngayong July 25.

Unang nakilala si Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell o kilala sa stage name na Nathalie Hart bilang parte ng Star Magic. Noong 2010, sumali si Hart sa ikalimang season ng Star struck at nakasali sa final 14.

Noong May 2018, siya rin ang nasa cover ng FHM Philippines. (Remate News Team)