Nathalie Hart, nanghinayang sa pangarap dahil buntis

Nathalie Hart, nanghinayang sa pangarap dahil buntis

July 26, 2018 @ 10:02 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – “Umiyak ako, kasi it’s not funny…Iba ‘yung may tinutulungan kang pamilya… My God, paano ‘to? Wala pa akong masyadong naipuna, napundar,” sabi ng aktres na siĀ Nathalie Hart nang malaman niyang siya ay nagdadalang tao.

Inanunsiyo ng aktres ang kaniyang pagbubuntis sa kaniyang baby girl at nakatakda ring magpakasal sa taong ito.

Ibinunyag ito ni Hart, 26-anyos, sa isang panayam kahapon (July 25) matapos tanungin tungkol sa kaniyang non-showbiz Indian boyfriend.

Nakatakdang ikasal ang aktres sa kaniyang karelasyong real estate businessman sa December sa Sydney kung saan pinaplano rin ni Hart na manganak.

“In a way, manghihinayang ka rin kung ano na ‘yung meron ka ngayon, ‘yung puwede mo pa makuha. Pero ngayon, I cannot think like that, kasi siyempre kung negative ka, negative din ‘yung pregnancy ko. I have to be positive,” dagdag naman ni Hart.

Kababalik pa lamang ni Hart sa showbiz ngayong taon kung saan nagkaroon na siya ng ibaā€™t ibang proyekto gaya ng sexy film na “Sin Island,” teleserye na “The Blood Sisters,” at pelikulang “Kusina Kings,” na kapapalabas palamang sa takilya kahapon.

Bibida rin si Hart sa upcoming sexy comedy flick na “Abay Babes.”

Kahit na kasisimula pa lamang muli ni Hart sa kaniyang karera sa showbiz, hindi naman pumasok sa isipan niyang ipalaglag ang bata para lamang isalba ang kaniyang career.

“Naisip ko, ‘Ready na ba ako?’ But I never thought, ‘Ay, magpapalaglag ako, dahil I’m going to save my career.’ No way! Hindi ko iisipin ‘yon. Mas gusto kong mawalan ako ng career, at ituloy ko na lang ‘to, kaysa naman one day, I will regret ‘yung ginawa ko,” paliwanag ni Hart.

Baby girl ang inaasahan ng aktres at binigyan diin ng aktres na siya ay babalik sa showbiz pagtapos niyang manganak dahil mayroon pa siyang siyam na pelikulang nakakontrata. (Remate News Team)