NATHAN SUBIDA SA YOUTUBE AT PODCAST

NATHAN SUBIDA SA YOUTUBE AT PODCAST

September 6, 2022 @ 6:20 PM 4 weeks ago


NAISULAT ko ang Boomreaxx noong nakaraan, ngayo’y isa rin sa pumapailanglang sa komentaryo at reaksyon sa YouTube ay ang Nathaniel Subida (YouTube Channel).

Si Nathaniel T. Subida na kilala rin sa tawag na Nathan or Nate ay isinilang noong March 22, 2000 kasalukuyang nasa edad 22 at mula sa Laguna.

Natanong ko siya kung kailan nagsimula sa YouTube Channel niya? “I started doing reactions since June 30, 2020 pero ang first live reaction ko ay January 25, 2021.”

Tinanong ko rin kung ano pa ang ibang programa niya? “Bukod sa Live Reactions, meron din akong NS Podcast na ongoing na nasa Season 2, NS Live na ang topic ay super random so parang anything and everything under the moon kasi gabi naman ang live interactive program na yan ha ha ha.”

Tanong ko rin, ano pa ang mga series o program na nagawan niya ng reactions at commentaries? “I did Gameboys, Paano Kaya Kung Tayo, He’s Mine, Rainbow Prince, Love Is at iba pa.”

Huling tanong ko ay kung mahirap magbigay ng reactions at commentaries? “Noong una, mahirap kasi hindi ako dati nakakapaghimay kada scene pero ng nag-start ako sa Live Reaction, nagkaroon ako ng interaction, mas mabilis ang paghimay plus mabilis makapagbigay ng side comments and then pag natapos na at magsisimula na ang commentary, doon ko na kayang ibigay lahat from my own insights to the expectations sa upcoming episodes.”

Message mo Nathan sa mga tagasubaybay, “Maraming salamat sa walang sawang sumusubaybay sa mga reactions ko, sa mga episode ng NS Podcast kahit nasa season 2 na tayo, sa mga nakaka-interact ko sa lahat ng live happenings sa channel ko, makakaasa kayo na kahit anoman ang mangyari – magkatrabaho man ako o kung nasaan man ako, laging nandito ang channel ko para mabigyan kayo ng happiness, interaction, at marami pang iba pa na deserve ninyo kahit lessons pa sa buhay yan o bardagulan.Sa mga tumulong para maabot ko ang kauna-unahan goal sa YouTube Channel, maraming salamat at kayo ang naging inspirasyon ko at magiging inspirasyon ko pa sa hinaharap.”