National Achievement Test gawing kapaki-pakinabang – ACT

National Achievement Test gawing kapaki-pakinabang – ACT

January 13, 2023 @ 1:26 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pamahalaan na siguruhing kagamit-gamit at kapaki-pakinabang ang resulta ng isasagawang National Achievement Test (NAT) sa pagtatapos ng buwan.

Ito ay upang magamit umano sa pagpapabuti pa ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

“This year’s NAT is of special significance as it will be the first since the pandemic and the ensuing learning crisis of the problematic implementation of distance learning,” sinabi ni ACT Chairperson Vladimer Quetua sa pahayag.

Kamakailan ay inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang NAT para sa mga Grade 12 students sa Enero 30 at 31.

Ayon sa ACT, dapat tiyakin na magagamit ang NAT ngayong taon upang pagbutihin pa ang education quality sa bansa makalipas na pumalya itong magamit sa nakalipas na dalawang dekada.

“If done properly, it can give us a clearer picture of the crisis in education that we are experiencing right now. If analyzed honestly and critically, it can lead us to identifying and addressing the key problems that bog down education quality,” sinabi pa ni Quetua.

“Our students were pitied while our teachers were frowned at for the dismal performance, but there have not been significant reforms implemented to create an enabling learning environment by filling in the grave shortages in classrooms, teachers and materials, and resolving the overworked and underpaid situation of our teachers,” dagdag niya.

Maliban dito, itinutulak din ng grupo ang inklusibo at matapat na assessment ng sitwasyon sa edukasyon sa bansa kabilang ang game-changing reforms para rito. RNT/JGC